Sa dako paroon inaabangan ang paglubog ng araw...umaasang kinabukasan ay muli itong sisikat upang magbigay ng panibagong kabuluhan sa buhay.
Sa dako paroon, nasilayan kita, nakilala, naka daupang palad...sa dako paroon kung saan mga ngiti mo ang siyang naging liwanag ng mapanglaw na mga mata...Sa dako paroon, nabuo mga pangarap, umaasa, muling huminga at natutong lumaban...Sa dako paroon, unti unti kang naglalaho, natatanaw na papapalayo.Mga hakbang na tila hindi na magbabalik, na hindi na muli pang dadaanan ang landas patungo kung saan kita nakilala...
Sa dako paroon, umaasa, naghihintay, hanggan sa dako paroon tuluyang naglaho na...
Sa dako paroon muling lulubog ang araw, muling lalamunin ng dilim ang kulay ng kapaligiran, muling mangangamba, muling mag-iisa, doon...sa dako paroon...
-bulilit
