
Here's a copy of a blog which my friend asked me to post. I hope she can send the message to that someone out there...you know who you are..:) so here it is:
Kailan Tama ang Pag-ibig?
Sa mga nakalipas na mga araw ay abala ako sa pagbabasa ng mga pocketbooks dahil wala na akong iba pang mabasa. Lahat ng mabasa ko ay parang nangyayari sa totoong buhay. Marahil dulot lang ito ng pagkabalisa at paghahanap sa isang taong mahalaga sa buhay ko. Lagi kong hinihintay ang mga text niya sa akin. Pero diyata’t mapaglaro ang tadhana.Nakatanggap ako ng text mula sa kanya na nagsasabi, “ Im hapi wen im wid u. Pero hanggang dun lang un. U know it. So much have been said. U luv me very much, u say. If u rily do, plz. I beg u.. I want to change.” Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong o kung tulong nga talaga ang kailangan ko. Nahanap ko na lang ang sarili kong nakikipaginuman sa mga kaibigan ko. Naisip ko tuloy, sa tuwing mararamdaman ko ba ito ay laging ganito ang gagawin ko? Kinuha ko ang cell phone at sumagot ng ganito “If dat wil make you hapi, I’ll do it for u. Hindi mo ko pinahalagahan at ‘wag mong sabihing anjan ka lang para sa akin. Sana masaya ka. Ndi na rin ako magttext at magpapakita sayo.” Ndi ko alam kung kaya kong gawin to pero susubukan ko para sayo.
Natatandaan mo ba nung sinabi ko na lahat gagawin ko para sayo? Lagi mong sinasabi na alam mo na mahal kita, tanong ko lang, minahal mo ba ako? Kailan lang napakasaya natin, wala tayong pakialam sa mundo. Naalala mo pa ba ang text na to? It fils gud to mit ur family. Being wid ur nephew and the stare of ur mom?shocks! ok na din kahit sinabi nilang kahawig ko ang gf mo. I wantd d cold water coming from ur bathroom and I always wanted 2 wash the dishes with you! Iloveyousomuch! I know it’s hard but im willing to take the risk with you. I need you in my life and I want it 2 b 4ever until my last breath. I will always choose to love you!” Kahit ubusin ko ang luha ko ngayon ay hindi ko na mababago ang desisyon mo.

Paano ba ang magmahal? Mahal mo ang isang tao pag lagi mo siyang hinahanap, ‘pag bumubilis ang tibok ng puso mo ‘pag kasama o nakikita mo siya, ipinapadama mo sa kanya na siya ang pinakamahalaga sa buhay mo at higit sa lahat ay ‘yung alam mo na kahit na anong mangyari ay hindi ka niya iiwan.
Pag nagawa mo bang saktan ang isang tao o pag nagawa mo siyang iwan ay masasabi mo bang mahal mo siya? Hai. Sa Bawat araw na lumilipas, lalo kitang hinahanap, lalo kiyang minamahal. Kung maibabalik ko lang ang mga pangyayari, pipiliin kong makilala ka sa MAS TAMANG PANAHON

No comments:
Post a Comment